NIYANIG ng magnitude 5.1 lindol ang Zamboanga del Norte bago magtanghali kanina.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-11:52 ng umaga.
Ang epicenter ng lindol ay 35 kilometro sa kanluran ng bayan ng Jose Dalman. May lalim itong 19 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagdulot ito ng Intensity III paggalaw sa bayan ng Manukan at Dipolog City.
Intensity II naman sa mga bayan ng Labason, Salug, Liloy at Sindangan sa Zamboanga del Norte; Baliangao, Misamis Occidental; Zamboanga City; Dumaguete City, Pagadian City at Larena, Siquijor.
May naitala ring Intensity I Cebu City at Sibulan, Negros Oriental.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.