P680K halaga ng shabu na hinalo sa kendi nakumpiska sa QC

TINATAYANG 100 gramo ng shabu, na hinalo sa dinurog na mga kendi, ang nakumpiska mula sa dalawang pusher matapos ang buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City, ngayong araw.

Sinabi ng Quezon City Police District (QCPD), na naaresto ng mga undercover na opisyal sina Ryan Ceblano at Jester Sanciangco, 18, matapos ang isinagawang buy bust sa kahabaan ng Richland Ave., sa harap ng Bagbag Elementary School.

Narekober ng mga pulis mula sa mga suspek ang isang sachet ng shabu, na natatakpan ng itim na electrical tape, isang cellular phone, P500 marked bill na ginamit sa buy bust, at 15 pirasong tig-P1,000.

Idinagdag ng pulisya na nang inspeksyunin ang nakumpiskang shabu, nadiskubreng inihalo ito sa mga kendi.

“Pag binaba nila ito (drugs) sa local drug groups, dadagdagan pa ito ng adulterants.  Kung ano-ano po ang nakikita natin, like tawas, may naghahalo ng candy, ng toilet freshener,” sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Spokesperson Director Derrick Carreon. 

Read more...