SIGNATURE na lang ni Pangulong Duterte ang kailangan para maipatupad ang first-ever unemployment insurance dito sa bansa.
Ang unemployment insurance ay isang financial benefit ng mga manggagawa at paying member ng Social Security System.
Ibig sabihin pwede na makakuha ng pera sa SSS kapag ikaw ay nawalan o natanggal sa trabaho. Maaring gamitin ang cash
bilang pantawid o panggastos sa paghahanap ng panibagong trabaho.
Isa ito sa major feature ng Social Security Act of 2018 na naipasa ng House and Senate bicameral conference committee a few days ago.
Sakaling mapirmahan ni Digong ang panukala, maari nang kumuha ng unemployment insurance sa SSS nang katumbas na dalawa’t kalahating buwan na sahod.
Kung walang hassle, baka by March 2019, epektibo na Ito.
Siguraduhin na nire-remit ng inyong employer ang inyong buwanang hulog upang makapag-avail nito kung sakali.
Pero, siempre kinakailangan ng SSS ang dagdag na 1% sa monthly contribution ninyo starting January 2019! Boom!