Pamilya nakidlatan sa outing: 1 patay, 2 sugatan

NASAWI ang isang 13-anyos na binatilyo at dalawa niyang kaanak ang nasugatan nang tamaan ng kidlat habang nagliliwaliw sa beach sa Pontevedra, Negros Occidental, Linggo ng hapon.

Agad itinakbo sa ospital ang tatlo, ngunit di umabot nang buhay ang binatilyong si Leonard Deles, ayon sa ulat ng Western Visayas regional police.

Nagpapagaling naman ngayon sina Hob Deles, 46, at Juliana Detablan, 5, sa isang pagamutan sa Bacolod City.

Naganap ang insidente pasado alas-2, sa Bianes Beach na nasa Brgy. Miranda.

Sadyang nagtungo doon ang tatlo at iba pa nilang kaanak para mag-“outing,” ayon sa ulat.

Dinala sina Leonard, Juliana, at Hob sa Valladolid District Hospital, kung saan idineklarang dead on arrival ang una. Kinailangan namang ilipat sa pagamutan sa Bacolod ang dalawa, para sa karagdagang lunas.

Read more...