6 bahay sa UP campus nasunog

ISA ang nasugatan at anim na bahay ang nasunog sa loob ng UP campus sa Quezon City kaninang umaga.

Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni Estrella Barota alas-12:28 ng umaga. Tinitignan pa ng otoridad kung sa napabayaang kandila nagsimula ang sunog dahil wala umanong kuryente sa bahay ni Barota.

Umakyat sa ikalawang alarma at naapula makalipas ang isang oras.

Tinatayang P200,000 halaga ng ari-arian ang nasira sa sunog. Nasugatan naman sa kamay ang isang residente.

Read more...