“Wala tayong nakikitang extension sa ngayon, pero sa Wednesday pa naman ang last day and tingnan natin kung anong mangyayare,” sabi ni Comelec spokesperson James Jimenez sa isang panayam sa Radyo Inquirer 990 AM.
“Medyo matumal iyong last two days, malakas yung first day pero noong Friday medyo umonti iyong filers,” dagdag ni Jimenez.
Idinagdag ni Jimenez na nakapagtala ang Comelec ng 37 naghain ng pagka-senador at 30 partylist groups sa unang dalawang araw ng pagsasampa ng COC para sa May 2019 midterm elections.
Sinabi ni Jimenez na inaasahang darami pa ang maghahain ng COC habang papalapit na ang pagtatapos ng paghahain ng kandidatura.
“We expect na sa darating na linggo, Monday, Tuesday, Wednesday ay magdadagsaan po iyan,” ayon pa Jimenez.
Sinabi ni Jimenez na inaaaahang mailalabas ang pinal na listahan ng mga kandidato sa Disyembre.