Vice kay Marian: Mukha talagang artista! Nagmukha akong puchu puchu!

NAGPA-picture talaga si Vice Ganda kay Marian Rivera nang dumalaw ito sa last shooting day ng kanyang MMFF 2018 entry na “Fantastica”.

Isa sa leading man ni Vice sa movie si Dingdong Dantes, ang isa pa ay si Richard Gutierrez. Natuwa ang mga followers ng TV host-comedian nang mapanood ang short video nila ni Marian sa Instagram kung saan nagyakap pa ang dalawa habang tawa nang tawa.

Caption ni Vice sa kanyang IG video, “Naknampotek napakaganda ni Marian!!! Mukha talagang artista! Nagmukha akong puchu puchu!!!”
Sa kanyang Twitter account naman, nag-post si Vice ng mensahe para ibandera sa madlang pipol ang naramdaman niyang excitement nang makita ang misis ni Dingdong sa set ng “Fantastica”, gamit pa ang hashtag na #faney

Aniya, “Oh em!!! Marian Rivera joined us on our last shooting day of Fantastica. Honggondoooooooo!!!!!! Mukhang teen star!!! Nagpapicture ako talaga.

“Nung natitigan ko yung mukha ni Marian napaisip talaga ko kung paano ko naging artista!!! Di ako nakarecover agad! Fowtah ang ganda e! #faney!”

Read more...