Dwight Howard lilipat sa Rockets

TULUYAN ng iniwan ni Dwight Howard ang Los Angeles Lakers matapos ang nakakadismayang season para lumipat sa Houston Rockets at makasama ang kapwa All-Star na si James Harden sa hangarin nitong makakuha ng NBA title.

“I’ve decided to become a member of the Houston Rockets. I feel (it’s) the best place for me and I am excited about joining the Rockets and I’m looking forward to a great season,” sabi ni Howard sa kanyang Twitter account kahapon.

Si Howard, ang pinakadominateng NBA center na hindi naging komportable sa paglalaro sa ilalim ni Lakers coach Mike D’Antoni, ay umanib sa Rockets na malamang na maging isa sa mga koponan na palaban sa NBA Western Conference.

Kinumpirma naman ng Lakers kahapon na iiwan na nga ni Howard ang koponan. Maliban sa Rockets, kasama rin ang Dallas Mavericks, Golden State Warriors at Atlanta Hawks sa mga koponang interesadong makuha ang serbisyo ni Howard.

“Naturally we’re disappointed,” sabi ni Lakers general manager Mitch Kupchak sa isang ulat. “However, we will now move forward in a different direction with the future of the franchise and, as always, will do our best to build the best team possible.”

Isinama ng Rockets si Hall of Fame center Hakeem Olajuwon nang kausapin nito si Howard noong nakaraang Martes. Susundan naman ngayon ni Howard sina Olajuwon at Yao Ming na naging mga premyadong sentro ng Houston.

Ang nasabing kasunduan ay magiging opisyal naman makalipas ang Hulyo 10.

Read more...