“Sinimulan n’yo, kaya ta-tapusin ko!” ‘Yan ang ipinagdiinan ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post matapos magsampa ng pormal na reklamo laban sa taong nanloko sa kanya.
Hindi pa rin pinangalanan ng Social Media Queen ang kanyang business partner na kinasuhan niya ng qualified theft sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Bukod dito, nagsampa rin ng kaparehong demanda ang kanyang abogado sa anim na lungsod – San Juan, Mandaluyong, Pasig, Makati, Taguig at Manila.
Bahagi ng IG post ni Kris, “I continue to have faith that the Philippines’ justice system will uphold the law with impartiality & fairness. My legal teams had met with his representatives in an attempt to settle amicably, but in straight forward language-cumare bears sila.
“My family had advocated for peace BUT the other party failed to even meet us halfway and instead chose to spread malicious lies & falsehoods… i wanted to quietly put this painful chapter behind me… kilala nyo na po ako- hindi ako ang nagsisimula ng away, pero hindi po ako pinalaki para urungan ang pakikipaglaban para sa katotohanan. Sinimulan nyo, kaya tatapusin ko.”
Dahil sa ginawang panloloko ng taong pinagkatiwalaan niya nang husto (kung saan sangkot ang milyun-milyong piso mula sa KCA Productions) ay lumala ang sakit ng mama nina Joshua at Bimby.
Nakaranas ng matinding depresyon si Kris nang madiskubre ang ginawang panloloko sa kanya at nakaapekto ito sa kanyang health condition.