Jason pasadong contestant sa Super Sireyna ng ‘EB’ | Bandera

Jason pasadong contestant sa Super Sireyna ng ‘EB’

Ambet Nabus - October 13, 2018 - 12:35 AM

JASON ABALOS

NU’NG huli naming makausap si Rayver Cruz sa mediacon ng bagong musical variety show ng GMA na Studio 7, in high heavens ito sa pagsasabing para raw siyang nagsisimula uli bilang artista.

Then days after, muli itong humarap sa press para naman sa grand launch ng bagong afternoon serye ng GMA na Asawa Ko, Karibal Ko. Pero bago pa sila pormal na nakipagtsikahan sa mga reporter, nakorner na namin siya sa lobby ng 17th floor ng GMA 7.

“Aaminin ko, nae-enjoy ko talaga ngayon ang mga event na ganito. Parang baguhan lang ang peg,” ang natatawa niyang sagot sa pangungumusta namin sa sunud-sunod na projects niya sa Kapuso Network.

Bidang-bida nga naman ang postura at aura ni Rayver sa kanyang suit that night. Pang-leading man na talaga kumbaga.

Makakasama niya sa Asawa Ko, Karibal Ko sina Jason Abalos, Kris Bernal at Thea Tolentino. Sabi ni Rayver “super worth it,” ang ginawa niyang paglipat sa GMA, “Alam n‘yo naman pong ito talaga ang gusto kong gawin. Ang umarte, sumayaw at magtrabaho lang nang magtrabaho.”

Sa bagong challenging role na gagampanan ni Rayver sa una niyang serye sa GMA, umaasa kaming mas marami pang pinto ang magbubukas para sa kanyang showbiz career.

Speaking of Jason Abalos, tunay namang nakakagulat ang transformation niya bilang isang transgender sa Asawa Ko, Karibal Ko.

Mag-asawa ang role nila ni Kris Bernal sa kuwento pero mabubuking nga ang tunay niyang pagkatao at mai-involve sa kapwa niyang lalaki na gagampanan ng hunk model na si Matthias Rhoads.

Kung paano itong gagampanan ni Jason, yan ang masarap abangan lalo pa’t ito ang kauna-unahang pagkakataon na gaganap siya bilang all-out bading.

Pero in fairness, ang ganda-ganda pala ni Jason kung naging babae siya. Sa trailer kasi ng serye, ipinakita kung paano siyang nag-transform bilang transwoman. Sabi nga namin, pwedeng-pwede siyang sumali sa Super Sireyna ng Eat Bulaga. Ha-hahaha!

Sayang nga lang dahil maaga kaming umalis sa presscon kaya’t hindi namin narinig ang mga tsika niya kung paano niya pinaghandaan ang kanyang role at kung sino ang peg niya sa pagiging transgender?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Given na ang husay ni Kris sa pagganap lalo na sa mga mga complicated roles kaya kapag nakita uli namin siya sa aming “eskuwelahan” sa Faces And Curves sigurdong umaatikabong tsikahan ang aming gagawin tungkol sa bago nilang serye. Alam mo iyan Kris! Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending