Alden aminadong hirap patumbahin ang Probinsyano ni Coco

To us, number one, undisputed at that, ang ABS-CBN.

We don’t see it coming as second fiddle to GMA 7. No, never.

For one, ABS-CBN has produced the brightest stars, A-listers and blockbuster king and queens.

Bakit, may nakatalo na ba sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin? Hindi ba’t aminado naman si Alden Something na until now ay pinapakain sila ng alikabok ni Coco. Yes, three years na ang FPJ’s Ang Probinsyano, lahat ng katapat nito ay itinumba.

We are baffled over the fact na super sikat si Alden pero bakit hindi niya mapabagsak ang show ni Coco. Wala bang TV ang mga fans niya?

Number one daw ang GMA 7. Kailan pa? Bakit ang dami nilang flop teleseryes? ‘Yung Primetime King and Queen nilang sina Dingdong Dantes at Marian Something walang mga show after masibak sa ere ang mga teleserye kaya ang dapat itawag diyan Flop King and Queen.

How can GMA be the number one station, eh, mabibilang mo lang sa mga daliri ang mga shows nilang click sa televiewers. ‘Yung noontime show nga nila tinatalo na ng It’s Showtime. Hawak pa rin ng ABS-CBN ang primetime at maging ang afternoon slot.

Nasa GMA 7 ang pinakasikat na love team, ang AlDub pero hindi naman nag-rate ang unang pinagsamahang soap nina Maine at Alden. Hindi nag-translate sa mataas na rating ang kanilang unang pagsasama.

How can they be number one, eh, lahat ng major endorsers ay nasa ABS-CBN. Go watch any commercials on TV and you’ll discover na mga Kapamilya stars ang halos lahat ng nasa commercials.

ABS-CBN is the undisputed number one network. Number three lang ang GMA.

Who’s the number two network? Sky Cable! Joke!!!

Read more...