Hindi competition ang tingin ni Marco Gumabao sa male lead stars ng bago niyang show, ang Los Bastardos.
Pawang mga hunks kasi ang mga kasama ni Marco sa series tulad ng palaban din sa hubaran na si Jake Cuenca, Diego Loyzaga, Albie Casiño and Joshua Colet.
“‘Yun naman ang napag-usapan naming lahat. It’s a healthy competition. Pero iniisip na rin namin ‘yung para ma-motivate kami lalo.
“Hindi kami puwedeng magpaiwan, hindi kami puwedeng magpabaya sa pagwo-workout, sa pagda-diet because maiiwan kami ng iba. I know the other four guys are working hard sa katawan nila so I have to do double,” say ni
Marco.
“The face of the show is five bastards na lahat kailangan magaganda ang katawan. So kami, kung ‘yun ang kailangan para sa show, we’re really privileged to be part of it. Actually, sobrang malaking karangalan na kami ang napili and they appreciate ‘yung katawan namin for the show. Kung ‘yun ‘yung kailangan naming gawin, okay lang,” dagdag pa ng aktor.
To keep himself buffed, ito ang pinagdaanan ni Marco.
“Before, when I was young I am into Muay Thai. Ang cardio ko is basketball pero ang workout ko talaga is bodybuilding. As much as possible, kung kayang everyday, everyday. Now busy sa work so kung kayang three to four times a week. Kaya naka-enroll ako sa gym na puwedeng 24 hours.”
Siguradong matutuwa ang mga beking fans ni Marco sa bago niyang show, lalo na yun mga nagpapantasya sa kanya.