Nabatid na submitted for resolution ang kaso matapos magsumite ng formal offer of evidence ang kampo ni Trillanes sa Makati City Regional Trial Court Branch 148.
Sinabi ni Soriano na dalawa lang sa 22 isinumiteng ebidensya ng kampo ni Trillanes ang hindi tinanggap, partikular ang exhibit 9, na naglalaman ng printout ng official facebook page ng Department of National Defense (DND) at ang exhibit 12 na nagpapakita ng lumang litrato ni Trillanes, dahil hindi aniya ito authenticated.
Tinanggap naman ang karamihan sa mga ebidensya, kabilang ang mga galing sa Defense Adhoc Committee for amnesty at iba pang sertipikasyon ng aplikasyon para sa amnestiya ni Trillanes.