AGOT ISIDRO umaasa pang magkakadyowa uli: sana ‘yung tamang lalaki na!


Makakasama rin sa Muling Buksan Ang Puso ang nagbabalik-Kapamilya na si Agot Isidro. Mabait na anak ni Ms. Susan Roces ang role dito ng aktres, biro nga niya, Grace Poe lang ang peg ng acting niya sa nasabing teleserye.

Natanong si Agot kung paano siya nakumbinse na bumalik uli sa ABS-CB matapos ang ilang proyektong nagawa niya sa GMA 7, “Paano mo naman tatanggihan ang project na ito?

“How can you turn down a project, a big project like this and working with stellar actors such as Tita Susan? So, noong ini-offer sa akin ito, ‘Oo naman, oo naman!”

At siyempre, hindi na pinalagpas ng press na tanungin ang aktres tungkol sa paghihiwalay nila ng dating asawang si Manu Sandejas. May pag-asa pa bang mabuksan muli ang kanyang puso?

“Sana naman, sana naman! I mean, hindi pa naman kami…I mean, kahit naman yung tao, sa twilight years, di ba, talagang they have to be in love?

“Sana naman, mabubuksan siya. Pero siguro, sa tamang panahon, sa tamang tao, sa tamang circumstances, di ba?” pahayag ng aktres.

Naniniwala ba siyang “weather-weather” lang ang pagkakaroon ng lovelife? “Weather-weather lang ‘yan!” sagot naman ni Agot.

Read more...