HI Ma’am/ Sir,
Good day! Magtatanong lang po sana ako kung paano ang tamang computation ng separation pay. Yung asawa ko po kasi ay 12 years na sa kanyang kumpanya na pinasukan, pero ang binayad lang po sa kanya ay P11,000. Gusto ko po sana mapaimbestihahan ‘yung kompanya nila. Dahil sa tagal po nagtrabaho ang asawa ko doon, wala pong natatanggap na benepisyo, wala po silang holiday pay, leave at hindi rin po nagbibigay ang kompanya ng payslip. Ang pangalan po ng company is ASC sa Domingo st., Sta. Mesa, Maynila. Sana po matulungan n’yo kami.
Thank you
Good day po
REPLY: May gusto lang kaming malaman para masagot nang tama ang inyong mga katanungan.
Ang asawa mo ba ay nag-resign o natanggal sa trabaho?
If natanggal siya, ano anng dahilan?
Ang sagot mo po ang magiging basehan para malaman ang tungkol sa separation pay.
Sana ay malaman agad namin ang inyong kasagutan.
Salamat po.
Yours truly,
CATHERINE MARIE E. VILLAFLORES, MDM, MA, Ed. D.
Chief Administrative Officer
DOLE 1349 Hotline Supervisor (Designate)
Information and
Publication Service
Department of Labor and Employment
Central Office
Muralla St., Intramuros, Manila 1004
Tel.No. (02) 527-3000 local 626
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.