Mocha laglag sa partido ni Digong, sariling pera raw ang gagastusin sa 2019 Elections

By Cristy Fermin October 12,2018
share this

Mocha laglag sa partido ni Digong, sariling pera raw ang gagastusin sa 2019 Elections

By Cristy Fermin October 12,2018
share this

MOCHA USON AT RODRIGO DUTERTE

Desidido nang lumahok sa mundo ng politika ang maraming kapalpakang nagagawa na si Mocha Uson.

Hindi lang daw siya sigurado pa kung anong posisyon ang kanyang aasintahin.

Ang unang-una raw niyang dahilan sa pagtakbo ay ang kapakanan ng mga OFW dahil minsan din niyang naranasang maging manggagawa sa ibang bansa nang kumanta siya sa Qatar.

Pero ang masakit lang ay inilaglag siya ng partido ni Pangulong Rodrigo Duterte, wala siya sa listahan ng mga tatakbo sa iba-ibang posisyon ng balwarte ng ipinaglalaban niyang pangulo, kaya tatakbo na lang daw siya bilang independent candidate.

Napakasakit nu’n para kay Mocha Uson na ang ilusyon ay habampanahon na siyang kakandiliin ng mga politikong ipinaglalaban niya.

Pero wala, ni hindi nga siya binigyan ng pagkakataong maging bahagi ng partido, kaya aakuin niya na lang ang paggastos sa kanyang pagtakbo.

Kung bakit naman kasi makikilahok pa siya sa politika samantalang wala namang maaalalang maganda tungkol sa kanya ang mga kababayan natin?

Milyones ang kanyang followers na ipinagmamalaki niya, pero botante ba ang lahat ng mga sumusubaybay at sumisilip sa kanyang mga accounts, wala pa ring kasiguruhan ang bilang na ngayon pa lang ay ipinagmamalaki na niya.

Alamin niya muna sana kung saan matatagpuan ang bulkang Mayon.

Mababaw na argumento ‘yun, pero napakahalaga, dahil paano siya pagkakatiwalaan ng boto kung ni hindi niya alam kung nasaan ang bulkan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending