Pinaghahanap pa ang suspek na si Jeremy Matienzo Villegas alyas “Jing Jing,” sabi ni Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon regional police.
Si Villegas, ika-5 sa listahan ng provincial “high-value targets,” ay sinasabing nakakapagpakalat ng 150 gramo, o P900,000 halaga, ng shabu kada linggo, aniya.
Nagpapagaling naman ngayon sa ospital si SPO1 Jerome Garcia, miyembro ng Provincial Intelligence Branch, dahil sa tama ng bala sa mukha.
Isinagawa ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency ang operasyon dakong alas-2:30 ng hapon, sa baybayin ng Laguna Lake na nasa Sitio Magano, Brgy. Maytalang 1.
Nakabili si Garcia ng shabu kay Villegas, pero tila nakutuban ng huli na pulis ang ka-transaksyon, kaya binaril ito sa mukha, ani Gaoiran.
Gumanti ng putok ang buddy ni Garcia na si PO2 Henor Lagunias, pero nakatakas si Villegas at dalawa nitong kasabwat sa pamamagitan ng bangka, aniya.