“As of the moment hindi na muna ako magsasalita dahil pag-uusapan, susubukan naming ayusin para hindi umabot doon sa ganung senaryo,” sabi ni Sen. Binay sa isang panayam sa Commission on Elections (Comelec) headquarters sa Intramuros, Maynila.
Idinagdag ni Binay na kagaya ng isang normal na pamilya, dumadaan din ang pamilya Binay sa ganitong sitwasyon.
“Parang… so far… ‘di ba parang normal lang naman din sa isang pamilya yung may mga ganitong pinagdadaanan? So, kumbaga, isa lang ito, like a normal a family,” dagdag ni Binay.
Nauna nang napaulat na tatakbo rin si Junjun Binay bilang mayor ng Makati kung saan makakatapat niya ang kapatid na si Abby Binay.
“Basta ako, at the end of the day, kahit ano man yung maging resulta pagkatapos ng May 13, 2019 elections, magkakapamilya,” giit naman ni Binay.
Sinamahan ni Sen. Binay sa Comelec si Atty. Dan Roleda sa paghahain ng certificate of candicay (COC) bilang kandidato sa pagkasenador ng United Nationalist Alliance’s (UNA).
Si Binay ang tumatayong presidente ng UNA. Nakatakda siyang tumakbo muli sa pagkasenador sa susunod na taon.