Kamara kumurap, Robredo ipinasok na kapalit ni Du30

MATAPOS umani ng samu’t-saring reaksyon, kumurap ang Kamara de Representantes at inilagay si Vice President Leni Robredo bilang kapalit ni Pangulong Duterte kung hindi na nito magagampanan ang kanyang trabaho sa ilalim ng panukalang Federal constitution.

Sa sesyon ngayong araw, tumayo si Cebu Rep. Raul del Mar at sinabi na mayroong pagtatama sa Committee Report 81 ng House committee on Constitutional Amendments kaugnay ng panukalang pagpapalit ng gobyerno.

“In order to introduce perfecting amendment on the failure to include the Vice President in the first line of succession which lead to some misunderstanding and so there is a need to clarify this,” ani del Mar.

Walang naghain ng pagtutol sa mosyon ni del Mar kaya inaprubahan ito ng presiding officer na si House Deputy Speaker Linabeth Villarica.

Tumayo naman si House Majority Leader Rolando Andaya Jr., at sinabi na sa tamang panahon ay maghahain ang mayorya ng upang palitan ang bahagi ng report ng komite.

“At the proper time we will submit an amendment to the committee as requested by Rep. Raul del Mar on page 44 article 17 transitory provision on line 25 replace the word senate by the word vice.”

Ang bagong paragraph ay magiging: “In case a vacancy arises by reason of removal resignation permanent incapacity or death the incumbent president the incumbent vice president shall act as president until a president has been chosen and qualify.”

Read more...