Anak ni governor versus anak ni congressman

By Den Macaranas October 10,2018
share this

Anak ni governor versus anak ni congressman

By Den Macaranas October 10,2018
share this

INAASAHANG magiging mainit at dikitan ang labanan sa pagkagobernador sa isang lalawigan sa Luzon.

Ang maghaharap kasi ay mga anak ng dalawang political bigwig sa lalawigan.

Ang anak ng kasalukuyang gobernador laban sa anak ng isang kongresista na ngayon ay napapaulat rin na tatakbong senador sa 2019.

Sinabi ng ating Cricket na dating magka-alyado sa politika sina Gob at Cong pero nasira ang kanilang pagkakaibigan ng dahil din sa politika.

Noon kasing nakalipas na eleksyon ay magkaiba ang sinuportahan nilang kandidato sa pagka-mayor sa capital city ng kanilang lalawigan.

At simula na noon ay hindi na nagkaayos ang dalawa hanggang sa mabalitaan na lang ni Gob na nagpapatawag ng secret meeting si Cong sa mga mayors sa probinsya para kunin ang kanilang suporta.

Gusto kasi ni Cong na patakbuhin ang kanyang magandang anak bilang gobernador samantalang alam naman niyang inuumang na rin ni Gob ang kandidatura ng kanyang anak na lalaki.

Pakiramdam daw ni Gob ay na-traydor siya ni Cong kung kaya’t gumawa rin ito ng paraan para siraan sa mga local officials sa lalawigan ang mambabatas.

Hindi naman nagpatalo si Cong kaya naghain siya ng rekomendasyon sa Kamara para imbestigahan ang mga biniling sasakayan ng kanilang provincial government na siyempre ay may basbas naman ni Gob.

Habang nagbabangayan sina Gob at Cong ay nagsimula na ring magpakitang-gilas ang kanilang mga anak.

Ang anak ni Cong ay sikat sa social media dahil sa kagandahan at dahil may posisyon rin sya sa lalawigan bilang isang elected official.

Ang anak naman ni Gob ay puro pa-cute lang ayon naman sa aking Cricket pero hindi ito dapat maliitin dahil sa taglay niya ang apelyedo ng isang kilalang political kingpin sa bansa.

Ang mga opisyal na nagbabangayan ngayon dahil sa nalalapit na paglalaban sa politika ng kanilang mga anak ay sina Gov. M…as in Market at Cong. F….Ferrari.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending