Sa isang briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na natalakay sa pulong ng Gabinete ang pagpatay kay Judge Edmundo Pinlac, na humahawak sa kaso ng mga Parojinog at Kuratong Baleleng sa Ozamiz.
“Inatasan ng Pangulo ang pamunuan ng Philippine National Police na gawin ang lahat upang mahuli sa lalong madaling panahon ang mga taong may kinalaman sa karumal-dumal na krimen na ito,” sabi ni Roque.
Idinagdag ni Roque na nangangahulugan lamang ito na totoo ang gera kontra droga.
“Ang mga ganitong pagpatay ay mariin naming kinokondena. Ang mga ito ay patunay na totoo ang panganib na kinakaharap ng ating mga otoridad sa pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot. These deaths attest that the drug war is real,” dagdag ni Roque.
Nangyari ang pagpatay sa limang miyembro ng PDEA sa isang ambush sa Lanao del Sur noong Biyernes.
Tinambangan naman si Pinlac habang pauwi ng kanyang bahay noong Lunes.
“Nagsimula nang gumulong ang imbestigasyon at ang kasong ito ay personal na tutukan mismo ng Pangulo. Makakaasa ang lahat na makakamit ang hustiya sa mga napaslang,” ayon pa kay Roque.