Wala pang BF (2) | Bandera

Wala pang BF (2)

Joseph Greenfield - July 07, 2013 - 07:00 AM

Sulat mula kay Lanie ng Barangay San Rafael, Tacurong City
Problema:  
1.      Malapit na po ang birthday ko.  Ang problema, 33-anyos na ako at wala pa ring boyfriend. Maganda naman ang trabaho ko, pero bakit kaya sa love life parang malas ako? Hindi tulad ng ibang mga friends ko may mga asawa na at iyong iba ay may mga anak na, samantalang ako still single pa rin.
2. Naisipan kong sumangguni sa inyo, para malaman ko kung magkapag-aasawa pa kaya ako at kung may lalaking itinakda sa akin ang kapalaran.  Kailan naman kaya siya darating? Sa palagay ninyo Sir Greenfield, magkaka-boyfriend kaya ako bago man lang sumapit ang birthday ko?
Umaasa,
Lanie ng Barangay San Rafael, Tacurong City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
  Ang zodiac sign mong Sagittarius  (Illustration 1.) ang nagsasabing dahil sa sobra mong pagiging mapili at perpeksyonista, hindi ka tuloy makatagpo ng suweto at tamang lalaki para sa iyo. Kaya para makapag-asawa at magka-boyfriend, basta’t may dumating na lalaking isinilang sa zodiac sign na Aries o kaya’y Leo, sunggaban mo agad.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing medyo matatagalan ka talagang magka-boyfriend at makapag-asawa, pero hindi naman ibig sabihin nito ay tatandang dalaga ka. Sa halip, isang lalaking isinilang sa petsang  3, 12, 21, o kaya’y 30 ang darating sa iyong buhay sa taon ding ito ng 2013.
Luscher Color Test:
Sa pagdating ng nasabing lalaki, siya ay nakausot ng kulay na blue o kaya’y green habang ikaw naman ay naka-pink o kaya’y violet. Ang mga kulay na ito  ang napakalinaw na senyales na siya na nga ang makakatuluyan mo at makakasama habambuhay.
Huling payo at paalala:
Lanie ayon sa iyong kapalaran, dapat kang mag-lakbay, dahil tulad ng nasabi na sa isang paglalakbay mo makikilala ang iyong ka-soul mate. Kung sakaling hindi pa siya dumating sa nasabing panahon muli kang maglakbay sa buwan ng Agosto, at makikita mo, habang nakasakay ka sa isang pampublikong sasakyan, hindi sinasadyang mami-meet mo siya, hanggang sa magkahulugan kayo ng loob, liligawan ka niya, magiging boyfriend mo siya upang pagsapit ng Disyembre sa taon ding ito ng 2013, tuluyan ka nang magkapag-asawa at magkaroon ng simple, maligaya at panghabambuhay na pamilya, hatid ng isang lalaking nagtataglay ng initial na J.Y.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending