Idinagdag ng source na mismong si Pangulong Duterte ang nagtanggal kay Uson sa pwesto.
“Sumobra na. Abusado masyado at arogante,” ayon pa sa source ng INQUIRER.net.
Idinagdag pa ng source na sinabihan ni Duterte si Special Assistant to the President Chrtistopher “Bong” Go na tawagan si Uson para sabihan na sibak na siya.
“Since she was fired last September, di na siya kinausap ni Presidente,” dagdag ng source.
“Ganoon naman si Presidente kapag napuno na di na kinakausap ang isang opisyal kasi harmful na siya sa bansa at sa Pangulo,” ayon pa source.
Sinabi ng source na mismong mga opisyal at empleyado ng Presidential Communications Operations Office ang humiling kay Duterte na sibakin si Uson.
Matatandaang inihayag ni Duterte ang pagbibitiw sa pagdinig ng Senado noong Oktubre 3.
Nang hingan ng komento, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na, “She resigned effective Oct. 3.”