Mocha sinibak ni Duterte – source | Bandera

Mocha sinibak ni Duterte – source

- October 08, 2018 - 02:46 PM

SINIBAK si dating Communications Assistant Secretary Mocha Uson at hindi nagbitiw, ayon sa source ng INQUIRER.net.

Idinagdag ng source na mismong si Pangulong Duterte ang nagtanggal kay Uson sa pwesto.

“Sumobra na. Abusado masyado at arogante,” ayon pa sa source ng INQUIRER.net.

Idinagdag pa ng source na sinabihan ni Duterte si Special Assistant to the President Chrtistopher “Bong” Go na tawagan si Uson para sabihan na sibak na siya. 

“Since she was fired last September, di na siya kinausap ni Presidente,” dagdag ng source. 

“Ganoon naman si Presidente kapag napuno na di na kinakausap ang isang opisyal kasi harmful na siya sa bansa at sa Pangulo,” ayon pa source. 

Sinabi ng source na mismong mga opisyal at empleyado ng Presidential Communications Operations Office  ang humiling kay Duterte na sibakin si Uson.

Matatandaang inihayag ni Duterte ang pagbibitiw sa pagdinig ng Senado noong Oktubre 3.

Nang hingan ng komento, sinabi ni  Executive Secretary Salvador Medialdea na, “She resigned effective Oct. 3.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending