Female group rumaraket pag walang trabaho, nagbibigay aliw sa mga negosyante

Tinanong kami ng kaibigang maraming kilalang negosyante kung kilala namin ang isang female group dahil ipiniprisinta raw sila ng nagpakilalang manager para aliwin ang mga kliyente niya sa isang out of town business meeting.
Sa madaling salita, nagba-background check siya dahil nga hindi niya kilala ang female group na ito.
Hindi namin kilala nang personal ang binanggit niyang grupo pero ang dinig namin mula sa isang kakilala na ito nga raw ang ginagawa nila kapag wala silang raket, ang maging escort girls.
“Mahal ang singil nu’ng manager nila, huh? Hindi naman mga class A,” sabi pa sa amin.

Read more...