Ces Drilon kinontra ang demanda ni Gretchen Fullido, magkakasubukan sa korte

Sa halip na sila ang maging tagapagbalita ay sila ngayon ang nasa ulo ng mga balita. Isang patotoo rin ang pangyayaring ito na hindi lang ang departamento ng entertainment ang kontrobersiyal kundi maging ang bulwagang-pambalitaan din ng network.
Kinasuhan ng star patroller na si Gretchen Fullido ng sexual harassment ang mga tagapamuno niya sa TV Patrol. Kakambal ng nasabing kaso ang reklamo ng libelo na isinampa niya laban kina Ces Drilon at Marie Lozano at isa pa nilang kasamahan.
Pinalabas diumano ng mga ito na gawa-gawa lang ang mga kuwento ni Gretchen, na kaya lang niya kinasuhan ng sexual harassment sina Cheryl Favila at Maricar Aspec ay para pataasin ang kanyang estado sa departamento ng News ng ABS-CBN, ‘yun ang mga dahilang ibinigay ni Gretchen.
Pinalagan ni Ces Drilon ang demandang ihinain ni Gretchen laban sa kanya, kailanman sabi pa ng magaling na news anchor, ay hin-ding-hindi nito maaaring maliitin ang karapatan at kapasidad ng sinumang babae.
Mahabang panahon pa ang kailangang hintayin para malaman natin kung sino ang mas papanigan ng piskalya tungkol sa usaping ito. Ang sumbong ba ni Gretchen Fullido o ang kontra-demanda ni Ces Drilon at ng iba pa nilang mga kasamahan?
Hindi kilala ng mga kausap namin si Gretchen Fullido, 24 Oras siguro ang kanilang tinututukan, kaya kami na ang naglarawan sa kanila kung sino ang nagdemanda.
 Si Gretchen Fullido ang star patroller na sobrang matipid sa tela. Palaging maigsi ang kanyang suot, seksing-seksi, ‘yun siya.

Read more...