Edgar Allan bumilib sa akting ni Rufa Mae sa ‘Bagyong Bheverlynn’, pang best-actress daw

PANG-BEST actress daw ang akting ni Rufa Mae Quinto sa hugot comedy movie nila ni Edgar Allan Guzman na “Bagyong Bheverlynn”, isa sa mga entry sa Cinema One Originals Film Festival 2018.

Ayon mismo kay EA, ibang Rufa Mae ang mapapanood ng madlang pipol sa kanilang pelikula at sana raw ay suportahan sila sa pagbubukas muli ng Cinema One Originals.

“Lahat ng may hugot sa buhay, lahat ng mga kababaihang millennial makaka-relate dito. Lalo na ‘yung mga relasyong iniwan at sinaktan makaka-relate sila. Medyo fantasy nga lang pero ‘yung tema ay nandoon sa pelikula,” pahayag ng award-winning actor.

Sey pa ng binata, naging magaan ang trabaho nila dahil sa pagiging komedyana ni Rufa Mae, “Sabi ko nga sa kanya noon ang seryoso pa niya dati nu’ng una nagkatrabaho kami, kasi single pa siya noon eh, wala pa siyang pamilya.

“Siguro kaya mas naging light din ang aura niya noong bumalik siya sa showbiz dahil happy sa pagi-ging nanay sa pa-milya niya kaya nadala doon sa trabaho,” chika pa ni EA.
At sa ipinakita raw ni Rufa Mae na akting sa “Bagyong Bheverlynn”, hindi raw imposibleng manalo ito ng best actress award.

“Pinu-push ko siya. Sabi ko nga sa kanya, kaya niya ang manalo ng award. Sabi niya, Talaga? Gusto kong manalo kasi mga award-winning ang mga kasabay ko.’ Pero kasi kung para sa ‘yo talaga ang award, kung para sa ‘yo talaga ang materyal, para sa ‘yo talaga ‘yan,” dagdag pa ni Edgar Allan.
Showing na ang “Bagyong Bheverlynn” simula Okt. 12 hanggang 21 sa mga sinehan ng Gateway Cineplex, Power Plant Cinema at ilang Ayala Malls.

Read more...