Base sa nakuhang footage ng mga security camera, makikita ang dalawang lalaki na inabandona ang motorsiklo, lumipat sa isang sports utility vehicle at umalis sa pinangyarihan ng krimen.
“About three vehicles are now our subjects for record checks,” sabi ni Senior Supt. Nicanor Salvador, Pampanga police director.
Hindi naman siya nagbigay ng detalye kaugnay ng ikatlong sasakyan.
Nagja-jogging si Reyes sa kahabaan ng Dalan Baba road sa Barangay Sta. Lucia nang saksakin siya at barilin ng mga suspek ganap na alas-6:30 ng umaga.
Namatay ang biktima ganap na alas-10:41 ng umaga.
Nakasuot ang mga suspek ng bonnet.
Nangyari ang pagpatay matapos namang makuha ni Reyes ang suporta ng lokal na partido na Kambilan, para maging kandidato nila sa pagka vice mayor sa May 2019 midterm elections, ayon kay Vice Governor Dennis Pineda, na siya ring vice chairman ng Kambilan.
Nangyari ang pag-atake isang linggo bago ang pagsisimula ng ng paghahain ng certificate of candidacy sa Oktubre 11.