Pinoy nababahala sa kalusugan ni Du30-SWS

NABABAHALA ang maraming Pinoy sa kalusugan ni Pangulong Duterte, ayon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS).

Naniniwala rin ang karamihan ng mga Filipino na may sakit si Duterte.

Sa survey na isinagawa mula Setyembre 15-23, nagpahayag ng paniniwala ang 45 porsyento (17 porsyento na lubos na naniniwala at 28 porsyento na medyo naniniwala) na may sakit ang Pangulo.

Hindi naman naniniwala dito ang 26 porsyento (16 porsyento na lubos na hindi naniniwala at 10 porsyento na medyo hindi naniniwala).

Ang undecided naman ay 29 porsyento.

Nababahala naman ang 55 porsyento (18 porsyento na talagang nababahala at 38 porsyento na medyo nababahala) na magkaroon ng mga problema sa kalusugan ang pangulo.

Hindi naman nababahala ang 44 porsyento (23 porsyento na talagang hindi nababahala at 22 porsyentong medyo nababahala).

Sinabi naman ng 61 porsyento na dapat ay malaman ng publiko ang kalagayan ng kalusugan ng pangulo samantalang 33 porsyento ang nagsabi na ito ay isang pribadong bagay na hindi dapat isapubliko. Wala namang sagot ang 6 porsyento.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,500 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 3 porsyento.

Read more...