True-to-life pala ang “Wala Kang Alam” na isa sa 10 finalists in this year’s Himig Handog.
The song, written by Martin John Arellano of Manila and Mel Magno of Pampanga, will be interpreted by Sam Mangubat.
Matapang ang rebelasyon ni Mel Magno who said he composed it, “para murahin ko lahat ng ex ko.”
“‘Yung lahat ng sakit na ibinigay nila sa akin. Nananahimik ka, lalapitan ka, babaguhin mo ang buhay tapos gagaguhin ka.
“Kasi lahat naman ng relationships ko, hindi ako nagmamalinis pero lahat ng mga dumating na lalaki sa akin relasyon talaga, 17 years, 7 years, 5 years, the last one was three years. ‘Yun ang pinakamadali, ‘yun ang pinakamasakit kasi nangako siya na hindi na mauulit. ‘Yung mga naranasan mo, hindi mo mararamdaman sa akin.’
“Kasi ayoko na nga, eh. After ng tatlong relasyong napakatagal, binuhos mo ang buhay mo doon pati pera mo tapos lolokohin ka, gagaguhin ka.
Ngayong ayoko na, eto ang isang lalaki na nangangako. ‘Hindi, hindi mangyayari ‘yon kasi iba ako. Lahat naman tayo nagmahal at nasaktan. Sino ba ang hindi nasaktan dito? Ito ‘yung time na wala na akong maramdaman, eh. Parang gusto ko na lang mawala,” he explained.
So, naka-move on na ba siya sa pain ng past relationship niya? “Artist ako, I am a writer, I am a director, I am a composer, I don’t move on,” he stressed.
“Hindi ako nagmu-move on sa mga pain para kapag kailangan ko ilalabas ko. I am a director, I am a theater and a film director so nagagamit ko sa mga talent ko ‘yan. Hindi ako kumakalimot ng kahit na isang sakit na ginawa sa akin para kapag kailangan ko magagamit ko,” he added.
When asked if he knew kung ang ang pinagdaanan ng composer ng “Wala Kang Alam”, Sam Mangubat said, “Actually, hindi ko po alam. Actually, dalawa po ang composers. Hindi ko po alam kung sino ang nagsulat.”