Backpay hinaharang ng ex-employer

GOOD day mam/sir ,

Ako po si JOEBERT BALBOA dati pong promodizer ng isang brand ng appliance sa isang kilalang mall.

Nag-resign po ako sa dating pinapasukan ko employer ko with one month notice and resignation letter.

Tapos po nag-physical inventory at turn over po ako sa audit/ accounting namin nung last day ko noong June 20, 2018 ay wala naman kami discrepancy.

Ngayon po three months na ang nakakaraan ayaw nilang ibigay ang last 13 days salary at backpay ko.

Nito lamang Sep. 28, 2018 nila sinabi na madami raw nawawala na unit na appliances mula noong umalis ako sa work ko.

Sana matulungan ninyo po ako kung ano ang dapat kong gawin.

Salamat.

Joebert Balboa

REPLY: Magandang araw sa iyo, Joebert.

Sa kaso mo ngayon, ang pinakamainam mong gawin ngayon ay magtungo ka sa Department of Labor and Employment Field Office at mag-file ng complaint laban sa dati mong employer.
Ang DOLE Field Office ang may jurisdiction sa iyong kaso.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...