Mavy, Cassy sa pagiging Kapuso: It’s a blessing!

CASSY AT MAVY LEGASPI

May second generation of stars naman ang mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, dahil ang kambal nilang sina Mavy at Cassy ay tuluyang nang sasabak sa pagpe-perform via GMA’s new musical variety show na STUDIO 7.

Mapapanood ito tuwing Linggo ng gabi sa GMA 7 kapalit ng The Clash. Noon pang dekada 80 hanggang 90 nauso ang mga ganitong format ng show at sa pagbabalik nito ng GMA, “Ang feeling namin, meron na kaming audience for this genre,” sey ng isa sa mga network executives.

Blessing daw para kina Mavy at Cassy ang maging Kapuso at magkaroon ng kontrata sa GMA. Bukod daw kasi sa ito ang mas kinalakihan nilang network dahil sa mga parents nila, “We feel more comfortable here at nararamdaman namin yung pagmamahal nila sa amin.”

Kantahan, sayawan at katatawanan ang hatid ng STUDIO 7, kung saan kasama rin sina Christian Bautista, Mark Bautista, Julie Anne San Jose, Kyline Alcantara, Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Kate Valdez, Rayver Cruz, The Clash Top 5, with Donita Nose and Super Tekla.

Read more...