Gloria Diaz pabor sa pagsali ng mga transgender sa Miss U

GLORIA DIAZ

Pabor si Miss Universe 1969 Gloria Diaz sa pagsali ng mga transgender women sa Miss Universe pageant.

This year kasi, pasok ang kauna-unahang transgender candidate sa Miss U, ang pambato ng Spain na si Angela Ponce.

Sa nakaraang presscon ng bagong primetime serye ng GMA na Pamilya Roces, natanong ang veteran actress kung okay ito sa kanya, “Well, I have nothing against that, gusto ko nga ‘yun, e. It’s more competition kasi it doesn’t mean naman na you cannot be beautiful because you’re transgender, di ba?

“But I don’t know how it will affect the competition itself because usually kapag beauty contest babae parang reyna,” sabi pa ni Tita Glo.

“I’ve been a judge in transgender beauty contest, ang gaganda talaga even ‘yung mga Super Sireyna contestants sa Eat Bulaga, they’re all beautiful.

“Even sa malapitan ang gaganda nila,” papuri pa ng former beauty queen-actress sa mga transgender woman.

Read more...