MUNTIK nang mabiktima ng Budol-Budol Gang ang aktres na si Janice de Belen.
Buti na lang daw at mabilis mag-isip at hindi agad naniwala ang kanyang mga kasama sa bahay sa modus ng sindikato.
Sa kanyang social media account, ipinaalam ni Janice sa kanyang followers ang nangyari at huwag daw mag-alala ang kanyang mga kapamilya dahil wala namang nangyaring masama sa kanya at sa kanyang staff.
Aniya, “Just about 30 mins ago someone called my HSE to say I got into an accident and was asking people to bring money to a police station. Good thing my staff are quick thinkers and did not fall for it!!!
Thank you Lord for my quick thinking staff!”
MOST READ
LATEST STORIES