Mega kinuyog matapos magreklamo sa sobrang trapik; sinisi si Sen. Kiko

SHARON CUNETA AT KIKO PANGILINAN

AS if naman si Sen. Kiko Pangilinan ang kasagutan sa daing ng asawa niyang si Sharon Cuneta tungkol sa traffic.

Days before her concert marking her 40th year in showbiz ay nag-post si Sharon tungkol sa tindi ng traffic en route to the Big Dome for her rehearsal.

Kahit daw kasi pagsamahin ang buong puwersa at kapangyarihan ng mga superheroes ay no match para solusyunan ito.

Minsan na ring idinaing ni Sharon ang tungkol sa mabagal na internet. In both cases—problema sa traffic at internet—ay niresbakan siya ng mga netizens pointing to Kiko.

Not only Kiko, but the MMDA, the DOTr or whichever government agency can only do so much to ease the traffic situation. Ilan na nga bang scheme ang ipinatupad ng mga ahensiya to address the
problem?

May coding, may single driver, may car pool, may rerouting, may provincial bus ban sa Edsa, even shortened working days in a week at kung anu-ano pang strategic measures, umubra ba?

Isa lang si Kiko sa maraming pulitiko o opisyal na apektado rin like everyone else. Huwag nating gawing convenient excuse ang ilan sa kanila as even the citizens—motorists, commuters and pedestrians alike—are just as guilty.

Ke magpa-Pasko, merong midnight sale, o wala, the traffic has really turned from bad to worse. Nanaisin mo na nga lang pumirmi sa bahay unless you have pressing commitments outside.

Read more...