Horoscope, October 06, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Mas maganda kung sisimulan ang araw sa pananalangin, mas mainam na magsimba upang magpaslaamat bago mag-blow-out. Tulad ng dati tuloy ang pasok ng pera at ang dating masarap na romansa ay lalo pang mas magiging maaalab at mainit. Mapalad ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Blue at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Hindi bagay sa iyo ang seryoso, ngitian ang problema! Sa pagiging palangiti at masayahin mas maraming biyaya ang darating. Sa pag-ibig, muling makipagkita sa kasuyo at pagsaluhan ang tamis ng pagmamahalan. Mapalad ang 5, 14, 23, 39, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Buddha-Bhagata-Govinda-Om.” Silver at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Kapag lagi kang in love, tuloy-tuloy ang buenas. Iwasang magkatampuhan ang kasuyo upang tuloy-tuloy na dumating ang mas marami pang mga biyaya ngayong kapaskuhan. Sa pinansyal, habang patuloy ang pagmamahalan patuloy din ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 6, 17, 28, 29, 39, at 46. “Dosya-Gayatri-Om.” Maroon at lilac ang buenas
Gemini – (May 21-June 21) — Tandaang kung patuloy kang babagal-bagal, babagal din ang pasok ng pera. Sa pag-ibig, wag ng mag-aksaya ng panahon, yayain ang kasuyo sa isang tahimik na silid. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” Violet at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Ngayon na ang panahon upang magbagong buhay! Sa pinansyal mag isip ng bagong pagkakakitaan. Sa pag-ibig, bagong istilo ng pakikipagromansa ang dapat, upang muling mag-alab ang relasyon. Mapalad ang 1, 7, 16, 25, 28, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Gita-Om.” Red at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Hindi sa kayabangan nakukuha ang pagpapayaman, kundi sa pagsisinop ng kabuhayan. Sa pag-ibig, ikaw naman ang magpakumbaba, upang maayos na ang gumegewang na relasyon. Mapalad ang 1, 4, 19, 28, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rata-Vada.” Orange at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Negosyo ang kailangan! Sapagkat ang mga taong isinilang sa zodiac sign na Virgo ay yumayaman sa mga produktong gumagalaw. Sa pag-ibig, mas madali kang yayaman, kung ang mapapangasawa mo ay isinilang sa petsang 5, 14, o kaya’y 23. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Silver at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa pagmamahal sa pamilya lalong susuwertehin at liligaya. Mas maganda kung ipagluluto mo ang inyong mga mahal sa buhay ng isang menu na noon pa nila nire-request. Mapalad ang 6, 18, 24, 33, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Santura-Om.” Pink at beige ang buenas
Scorpio – (October 24 – November 21) — Wag magtiwala sa mga kaibigan! Isang malapit na kaibigan ang makakasamaan ng loob dahil sa pera. Sa pag-ibig, upang hindi mapahamak, walang dapat pagkatiwalaan, kundi ang minamahal. Mapalad ang 3, 13, 27, 34, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Dyanas-Om.” Purple at violet ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Masama ang mangarap kung hindi matutupad. Wag puro plano, kailangan ang mabilis na pagkilos at aksyon. Sa pag-ibig, baka makahalata na ang kasuyo, puro ka pangako, kahit isa, tuparin mo naman! Mapalad ang 2, 17, 26, 34, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Om.” White at green ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa pinansiyal, manatili sa kasalukuyang pinagkakakitaan hindi dapat magbago ng hanap buhay. Sa pag-ibig, wag pagkinggan ang maling advice ng kasuyong Cancer sa halip ang sarili mong desisyon ang iyong panaligan. Mapalad ang 3, 18, 23, 27, 36, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti-Om.” Red at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Iwasang mag-isip ng negatibo. Kailangang maging optimista, upang lalo pang kumita ng mas maraming pera. Sa pag-ibig, sa bawat tampuhang nararanasan, mas mainit na romansa ang magiging kasunod. Mapalad ang 7, 16, 34, 38, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Atharva-Abrahma-Arjuna-Om.” Green at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Hindi nakukuha sa kuwento ang suwerte. Upang yumaman at umunlad kailangang kumilos. Simulan ang negosyong may kaugnayan sa modernong kagamitan. Sa pag-ibig, wag masyadong kuwentuhan ang kasuyo, akala nya tuloy nambobola ka na naman! Mapalad ang 1, 10, 87, 34, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Bhama-Yoti-Om.” Gold at lilac ang buenas.

Read more...