MARIEL sa mga intrigera: Sorry, hindi pa kami hiwalay ni ROBIN!

NAKABALIK na si Mariel Rodriguez sa Pilipinas galing Amerika pagkalipas nang tatlong linggong bakasyon kaya hindi totoo ang balitang nilayasan na niya ang asawang si Robin Padilla.

Ngayon lang daw kasi umalis ng bansa si Mariel na hindi kasama si Robin kaya lumabas ang mga balitang iniwan na niya ang asawa dahil hindi na nito nakayanan ang ugali ng aktor.

Ayon kay Mariel, pumunta siya sa Amerika para bantayan ang tatay niyang inoperahan sa puso. Dapat sana’y kasama niya sa US si Robin pero hindi naaprubahan ang visa nito.

Naging maayos naman ang operasyon ng tatay ni Mariel pero ilang araw pa siyang nanatili sa Amerika kaya may mga lumabas na isyung baka raw “nauntog” na ang TV host-actress at tuluyan nang iniwan ang asawa.

Tinext namin si Mariel  at nagulat siya na may mga naglalabasan palang intriga sa kanilang mag-asawa, “Nyek! Uuwi na ako no! Ha-hahaha! Katawa ‘yun! Excited ang mga peeps (people) ah sa paghihiwalay namin.

Well, sorry!  It ain’t gonna happen!” sabi niya. Kaya tinanong namin kung kailan talaga siya uuwi, “Sa July 5 (Biyernes) uwi na ako. Actually nga ‘yung dad ko, after three weeks bago malalaman kung nag-work ‘yung operation,” paliwanag ni Mariel sa amin.

Bukod dito ay nagpo-post kasi si Mariel sa Instagram na habang nasa Amerika siya ay panay ang shopping at pasyal niya kasama ang kapatid at mga kaibigan na feeling dalaga kaya siguro naisip na single and available na ulit ang TV host.

Read more...