Solon ligtas, motorcycle rider sugatan sa aksidente sa Tarlac

BAGAMAT nakaranas ng pananakit ng leeg, hindi naman nasugatan si Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil matapos bumangga ang isang motorsiklo sa kanyang van sa bayan ng Panique, Tarlac, kaninang umaga, ayon sa pahayag mula sa kanyang opisina.

Sugatan naman ang nagmomotorsiklo na si Renato Macato.

Pauwi na si Bataoil sa bayan ng Lingayen, Pangasinan ganap na alas-4:50 ng umaga nang bumangga ang motorsiklo sa kanyang van sa Paniqui-Camiling road sa Barangay Mabilang.

Nasa westbound lane ng highway ang van ni Bataoil, nang mag-swerve ang motorsiklo ni Macato para iwasan ang mga bato na nakatambak sa bagong sementadong kalsada, dahilan para bumangga sa sasakyan ni Bataoil.

Dinala ni Bataoil at kanyang driver na si Armando Manlongat, si Macato sa Teodoro Memorial Hospital at inilipat sa Sto. Nino Hospital sa bayan ng Camiling para sa ma- CT scan.

Ligtas na si Macato, bagamat nananatili pa rin sa ospital para maobserbahan.
Tiniyan ni Bataoil na sasagutin na niya ang gastos sa ospital ni Macato.

“Just jarred by the incident, Congressman Bataoil assures everyone that [he and his driver] are safe and there’s nothing to worry about,” sabi ng pahayag.

Read more...