Presyo ng bilihin tumaas ng 6.7% noong Setyembre

NAITALA sa 6.7 porsyento ang inflation rate sa bansa noong Setyembre, ang pinakamalaking pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa nakaraang siyam na taon.

Ayon sa Philippine Statistic Authority, mas mataas pa ito sa 6.4 porsyento na naitala noong Agosto. Noong Setyembre 2017, ang inflation rate ay 3.0 porsyento lamang.

Noong Pebrero 2009, ang inflation rate ay naitala sa 7.2 porsyento.

Noong nakaraang buwan umakyat ng 9.7 porsyento ang presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages noong nakaraang buwan.

“The annual rate of the food alone index further climbed by 9.7 percent in September 2018. Its annual growth in the previous month was noted at 8.2 percent and in September 2017, 3.4 percent,” ayon sa PSA.

Sa National Capital Region ay naitala ang inflation rate sa 6.3 porsyento, mas mababa sa 7.0 porsyento na naitala noong Agosto.

Sa labas ng NCR, ang may pinakamalaking inflation rate ay ang Bicol Region (Region V), at ang pinakamaliit ay sa Central Luzon (Region III) na naitala sa 4.5 porsyento.

3m

Read more...