MAS lalo pang dumami ang bilang ng mga taong nasisiyahan sa demokrasya ng bansa, ayon sa survey ng Social Weather Station.
Nagsabi ang 84 porsyento na satisfied sila kung papaano tumatakbo ang demokrasya mas mataas sa 78 porsyento na naitala sa survey noong Marso.
Pumabor naman ang 59 porsyento sa pangungusap na ‘Ang demokrasya ay palaging kanais-nais kaysa sa ibang klase ng pamahalaan.
Ayon naman sa 20 porsyento gusto nila paminsan-minsan ng authoritarianism o pamahalaang diktaturya.
Sinabi naman ng 19 porsyento na ‘walang kabuluhan’ sa kanila kung ang ating gobyerno ay demokratiko o hindi demokratiko.
Ang survey ay ginawa noong Setyembre 15-23 at kinuha ang opinyon ng 1,500 respondents. Mayroon itong plus/minus 3 porsyentong error of margin.