2019 polls huling hirit ni ex-mayor, swertehin pa kaya?

ISA-ISANG kinakausap ng isang dating alkalde ang lahat ng mga political bigwigs sa kanilang lungsod para sa plano niyang pagbabalik sa city hall.

Gusto niyang sungkitin ang dating pwesto bilang mayor na nakuha ng isang mas mapera at mas sikat na personalidad sa kanya.

Pati ang mga dating kaaway niya sa pulitika ay sinimulan na rin niyang suyuin dahil alam niyang magiging mabigat ang kanyang target na makuha ang dating pwesto sa gobyerno.

Dahil sa kanyang edad ay alam niyang ang 2019 elections na ang magsisilbing huling baraha para sa kanya na makabalik sa city hall.

Kapag natalo siya sa susunod na halalan ay malamang na hindi na matupad ang kanyang final hooray sa pulitika.

Pero bukod sa mga kaaway sa politics ay problema rin ngayon ng dating mayor ang pondo sa halalan.

Marami kasi sa mga dating financier ang tumawid na ng bakuran at ang sinusuportahan ngayon ay ang kasalukuyang mayor.

Ang dahilan ay napakakuripot daw kasi ng ating bida na kahit ang pagpapakain sa kanyang mga kaibigan ay naka-charge pa sa office of the mayor.

Pahirapan din umano ang paghingi ng tulong sa dating mayor dahil daig pa raw ang balon sa lalim ng bulsa nito.

May isang kwento nga noong siya pa ang mayor ng kanilang lungsod na tuwing panahon ng kapaskuhan ay lagi itong nagre-recycle ng pangregalo.

May isang negosyante sa Binondo ang nainsulto dahil ang ipinadalang t-shirt sa kanya ng dating alkalde ay isang giveaway shirt ng hardware na kalaban pa mismo ng kanilang negosyo.

Ilan lamang yan sa mga kwento tungkol sa pagiging natmaku as in makunat ng bida sa ating kwento ngayong araw.

Ang dating mayor na naghahanda na sa kanyang pagkandidato sa 2019 bilang alkalde ay si dating Mayor F…as in Fried Liempo.

READ NEXT
Next to life
Read more...