Maternity Benefits Pinalawig

By Liza Soriano October 05,2018
share this

Maternity Benefits Pinalawig

By Liza Soriano October 05,2018
share this

PINALAWIG ng Social Security System (SSS) ang maternity benefit para sa mga manggagawang kababaihan at pagtukoy sa panggagalingan ng pondo para dito.

Malapit ng maisabatas angbpanukalang batas na 105-Day Expanded Maternity Leave Law of 2018, na pinagsamang Senate Bill 1305 at House Bill 4113, magtatalaga ng pondo mula sa General Appropriations Act para sa pagpapatupad ng batas.

Mahalaga ang pagsusulong ng mas makabuluhang social security protection para sa mga manggagawang kababaihan lalo na at nalalagay sa peligro ang kanilang buhay habang at pagkatapos ng pagbubuntis

Sa ilalim ng panukalang batas, ang kasalukuyang bilang ng araw na binabayaran sa maternity leave ay tataas sa 105 araw mula sa 60 araw at 78 araw mula sa normal at caesarian na panganganak.

Para naman sa mga solong magulang, may karagdagang 15 araw o kabuuang 120 araw na maternity benefit.

Wala na ring limitasyon ang bilang ng panganganak kumpara sa kasalukuyang limitasyon ng apat na panganganak.

Batay sa pag-aaral ng actuarial group nito, kinakailangan ng dagdag na 0.3 porsyento sa buwanang kontribusyon kung ang 100-day na bersyon ng expanded maternity bill ang naisabatas.

Mula sa 11 posyentong buwanang kontribusyon na ina-apply sa kanilang monthly salary credit, tataas ito sa 11.3 porsyento. Masasagot nito ang dagdag na bayarin sa benepisyo at ang pagtaas na pananagutan na idudulot ng pagtaas ng maternity benefit payment sa 100-araw.

Kung maipatupad ang panukalang 100-day maternity leave, tataas ang maternity benefit sa P31,000 o 52 porsyentong pagtaas mula sa kasalukuyang benepisyo.

Sa kasalukuyan, ang rate ng kontribusyon sa maternity benefit ay nanatiling 0.4 porsyento sa monthly salary credit ng kwalipikadong miyembro o nasa P64 kada P1,760 buwanang kontribusyon.

Nakapagbayad na ang SSS ng mahigit P3 bilyon halaga ng maternity benefit sa mahigit 157,000 kwalipikadong babaeng miyembro mula Enero hanggang Hunyo 2018. Tumaas ng 12 porsyento ang binayaran sa maternity benefit na may halagang P3.37 bilyon sa unang kalahati ng taong 2018 mula sa P3.01bilyong binayaran sa kaparehong anim na buwan noong nakaraang taon.

SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue,
Diliman, Quezon City

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending