Maine kinakarir ang pagiging negosyante, may sarili na ring franchise ng fast food

MAINE MENDOZA

HULOG ng langit ang pagkuha kay Maine Mendoza na endorser ng isang fast food kaya naging madali sa kanya ang magkaroon ng franchise nito sa lugar nila sa Santa Maria, Bulacan.

Eh, bago pa maging Phenomenal Star si Meng, pangarap na ng parents niyang sina Teodoro at Mary Ann Mendoza na magkaroon ng franchise ng food chain.

Sa pahayag ni Maine sa gmanetwork.com during the photo shoot para sa sitcom nilang Daddy’s Gurl, “Parents ko talaga ever since gusto nila na mag-franchise ng fast food. So since naging endorser na rin ako, naging madali na for us makakuha ng franchise nito.”

Aniya, doing good ang food chain business kaya naman hindi lang siya ang nakatutok doon kungdi pati na ang buong family niya. Sa ngayon, nag-iisip pa siya kung ano pang investment ang susunod niyang papasukin.

“Gusto kong mag-branch out pa sa iba(ng) business. Siyempre kailangan din nating mag-invest sa iba, di ba?” rason ng Phenomenal Star.

Bago pa man pumasok sa showbiz, meron nang negosyo ang mga magulang ni Maine. Kaya naman sa pagiging business-minded niya eh, malaki ang impluwensiya ng kanyang parents.

Read more...