SA Pilipinas gaganapin ang World Boxing Council (WBC) convention para sa Oriental Pacific Boxing Federation (OPBF), Asian Boxing Council at WBC women’s boxing.
Ito ang inanunsiyo ni Games and Amusements Board (GAB) chairman Abraham “Baham” Mitra sa kanyang pagbabalik mula sa 56th WBC convention sa Kiev, Ukraine noong isang linggo.
“It is a great honor for the Philippines and the Games and Amusements Board to once again welcome the World Boxing Council,” sabi ni Mitra na muling nahirang bilang international secretary ng WBC.
“Delegates from Europe, Australia, America and Asia will be here and it will be a golden chance to highlight the accomplishments of Filipino boxers as well as the GAB’s Commission of the Year award given by the WBC last year out of 151 member countries.”
Ayon kay Mitra, magkakaroon din ng WBC Asia Awards Night at seminars para sa boxing officials at medical staff.
Darating din sa bansa si WBC president Mauricio Sulaiman at mga miyembro ng WBC Board of Governors.
“Tentatively, we’re looking at PICC as venue and we’re going to hold it in late November or early December,” sabi Mitra na dating governor ng Palawan.
Sa ilalim ni Mitra ay nakipagkasundo ang GAB sa Department of Health para sa libreng MRI at iba pang health exams sa lahat ng professional Pinoy boxers.
MOST READ
LATEST STORIES