Horoscope, October 04, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Suwerte ang kulay na yellow at red! Yan dalawang kulay na iyan ang isuot mo ngayon at siguradong darami ang iyong pera at magkakaroon ka ng masarap na karanasan sa larangan ng pag-ibig at romansa. Mapalad ang 3, 6, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ananda-Magra.” Bukod sa red ang yellow ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Malapit na ang pasko! Hindi mo ba naaalala, noong nakaraang taon, kapag malapit na ang pasko sinusuwerte ka? Babalik ng siksik-liglig ang dating suwerte, – maraming salapi at masarap na romansa ang matitikaman. Mahiwaga mong mantra: 3, 9, 18, 28, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Manu-Om-Namo.” Red at gold ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Gabi-gabi basahin ang Unang Salmo sa Lumang Tipan sa Biblia, – yan ang magsisilbing orasyon mo sa loob ng apat na buwan. Makikita mo, kapag nagawa mo yan, – uunlad, yayaman at magiging maligaya ka. Mapalad ang 2, 7, 19, 28, 46 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yod-Heh-Vah-Weh.” Red at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Bilisan mo ang pagkilos, malapit ng mag-pasko! Walang duda, sa paskong darating salapi ang nakapagpapasaya ng bawat puso at ng buong pamilya, kaya nga kailangang bago pumasok ang Christmas Season maraming-marami ka ng pera. Mapalad ang 7, 11, 20, 29, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Blue at magenta ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Panatiliin ang pagiging mabait at may mabuting kalooban. Nakikita ng langit ang iyong ginagawa. Kaya sa araw na ito maraming magagndang pangyayari at kakaibang suwerte ang bubuhos sa iyo ng langit. Mapalad ang 2, 17, 26, 35, 44, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebanam.” Red at orange ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Wag ng magisip ng mamahaling regalo sa pasko, ang makasama ang mga mahal sa buhay sa isang romantikong lugar ay sapat na. Sa pinansyal ipunin ang malaking halaga ng salapi na matatanggap ngayong Holiday Season at gamiting pang-negosyo sa susunod na taong 2019. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kurvan-Om.” Lilac at magenta ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Matutong lumingon sa pinanggalingan! Mamayang hapon, i-blow-out ang mga taong tumulong sayo upang makamit ang tagumpay. Mamayang gabi uwian ang kasuyo ng pasalubong – bagay na malambot, masarap, matamis at bilog. Mapalad ang 3, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Blue at gray ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Gawin mo ang ganitong pagtatanong sa sarili ngayon: “Five years from now, ano ang gusto kong maging status ng aking buhay sa aspetong pang-pinansyal?” Isulat sa notebook, ang sagot! Makikita mo, after 6 years, kusang matutupad ang iyong mga isinulat. Mapalad ang 3, 9, 18, 36, 40 at 49. “Sargos-Sha-Om.” Red at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — “Halik” ang lulunas sa kalungkutan. Pagdating ng bahay, bigyan ng matamis na halik sa labi ang kasuyo. Kung wala kang kasuyo, bigyan ng mahigpit na yakap at halik ang mga anak o ang inyong mga magulang. Sa emotional therapy nabanggit, mapapanatag na ang iyong kalooban. Kapag panatag ang iyong kalooban, marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Mapalad ang 7, 9, 25, 20, 29, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Om.” Red at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ang karamdamang nararanasan ay dala lamang ng pabago-bagong panahon! Kumain ng maraming gulay at prutas, upang mas madali kang maka-recover. Sa pag-ibig, mamayang gabi, magpa-hagod ng noo at magpamasahe sa minamahal. Mapalad ang 4, 13, 23, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Green at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Kung may magagandang biyayang natatanggap, dapat lagi kang nagpapasalamat! Sa ganyang paraan, lalo kang gagantimpalaan ng maykapal. Sa pag-ibig, pasalamatan ang kasuyo na madaling mong nauuto. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kedemel-Om-Hagiel.” Magenta at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sabi ko sa iyo, simulan munang balangkasin at buuin sa isipan mo ang mga chapter ng isusulat mong libro. Dahil kung hindi ka man nagtagumpay sa buhay na ito, sa pagsusulat ng libro magtatagumpay ka at magiging maligaya. Mapalad ang 7, 16, 25, 35, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum.” Orange at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — “A hard road to glory” ang lagi mong isiping pormula upang magtagumpay! Magsikap na mabuti at kailangang matutunan mong gamitin ang mga leksyon na nagdaang karanasan, upang mas madali kang yumaman. Sa pag-ibig, konting tiis na lang, malapit na malapit ka ng lumigaya. Mapalad ang 2, 6, 12, 30, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Aum-Jawala.” Magenta at yellow ang buenas.

Read more...