Buhay ng Pinoy sumama; umaasa na gaganda ang buhay kumonti – SWS

DUMAMI ang mga Filipino na pumangit ang kalagayan sa buhay sa nakalipas na 12 buwan, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS). 

Ayon sa 28 porsyento gumanda ang kanilang buhay kumpara sa nakaraang 12 buwan. Kumonti ito kung ikukumpara sa 32 porsyento na naitala sa survey noong Hunyo.

Ang mga nagsabi naman na walang nagbago sa estado ng kanilang buhay ay nanatili sa 41 porsyento.

Ang mga nagsabi naman na sumama ang kanilang kalagayan ay 30 porsyento, mas mataas sa 27 porsyento sa mas naunang survey.

Umaasa naman ang 36 porsyento na mas gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan samantalang siyam na porsyento ang natatakot na lalo pa itong sasama.

Mas dumami ito kumpara sa survey noong Hunyo kung saan 49 porsyento ang nagsabi na giginhawa ang kanilang buhay, at siyam na porsyento na nagsabi na hindi gaganda ang kanilang kalagayan.

Nabawasan din ang bilang ng mga naniniwala na gaganda ang ekonomiya sa susunod an 12 taon. 31 porsyento ang nagsabi na gaganda ito, bumaba mula sa 43 porsyento. Nagsabi naman ang 20 porsyento na sasama ang ekonomiya, tumaas mula sa 13 porsyento sa mas naunang survey.

Kinuha ang opinyon ng 1,500 respondents sa survey na ginawa mula Setyembre 15-23.

Read more...