Coco, Julia perfect sa remake ng ‘Batang Quiapo’ | Bandera

Coco, Julia perfect sa remake ng ‘Batang Quiapo’

Ambet Nabus |October 04,2018
facebook
share this

Coco, Julia perfect sa remake ng ‘Batang Quiapo’

Ambet Nabus - October 04, 2018 - 12:10 AM


HILING  ni Coco Martin, mas marami pa siyang ma-remake na past movies ni Da King Fernando Poe Jr..

Looking forward ang aktor sa mga susunod pa niyang proyekto after ng Probinsyano kasabay ng muling pagpirma ng kontrata ng FPJ Productions sa ABS-CBN through Ms. Susan Roces.

Si Coco ang sinasabing sumusunod ngayon sa yapak ni FPJ, at isang karangalan daw para sa kanya kung ipagkakatiwala muli sa kanya ang iba pang karakter na ginampanan sa pelikula ni Da King.

“Sana makagawa ulit, pero wala pa kaming napag-uusapan about diyan. Sabi ko nga kahit hindi ako ‘yung artista, sana marami pang pelikula ni FPJ ang maging teleserye dahil talagang malapit sa puso ng Pilipino ang mga pelikula niya,” ang pahayag ni Coco sa isang interview.

Matagal nang nabalita na baka raw ang susunod na gagawin ni Coco after ng Probinsyano ay ang “Batang Quiapo” na pinagbidahan nina FPJ at Maricel Soriano. May mga nag-suggest pa nga na bagay sila ni Julia Montes na bumida rito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending