Beteranong male singer lulong pa rin sa mga bisyo


MAGKAHALONG inis at awa ang nararamdaman ng mga kasamahan ng isang male performer. Hindi nila alam kung tutulungan nila ang musikerong ito o hindi na dahil nawawalan lang naman ng saysay ang kabutihan nilang ginagawa.

Lalapit sa kanila ang musikero, magmamakaawa, lalambot naman ang puso ng kanyang mga nilalapitan.

Pero ang ending, sa kalokohan lang naman pala niya ginagamit ang tulong na nakakalap niya, hindi pa rin nagbabago ang tumanda nang musikerong ito.

Kuwento ng isang source, “Palagi siyang nakatambay ngayon sa kung saan-saang bar. Wala lang, nandu’n lang siya, pa-jam-jam sa mga kapwa niya singers.

“Pero alam na siyempre ng mga kasamahan niya ang dahilan. Kailangan niya ng libreng lafang at mamam. Awa na lang ang umiiral sa mga kasamahan niya, saka ang matagal na nilang pinagsamahan.

“Siyempre, bago umalis ang musikero, e, may-I-ask pa siya ng pamadyak. Give naman siya ng kahit magkano lang ng mga kasamahan niya para makauwi siya sa kung saang lupalop man siya uuwi!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Kuwento ng kanyang mga kaibigan ay nakailang palit na raw tayo ng pangulo, ang mga damuhang lugar nu’ng araw ay tinatayuan na ngayon ng malalaking gusali, pero wala pa ring ipinagbabago ang buhay ng matandang musikerong ito.

“Wala, ganu’n pa rin siya, bisyo pa rin ang inaatupag niya! Wala siyang plano sa buhay niya, hanggang paganyan-ganyan na lang siya. Akala mo milyonaryo kapag may datung, pero mukha namang kawawa kapag ubos na ang kinita niya!

“Pinagtataguan na nga siya kung minsan ng mga kasamahan niya. Walang kaabug-abog siyang darating sa bahay ng kaibigan niya, kung anu-anong drama ang pinagsasasabi, pero ang ending, e, hihingi lang pala siya ng datung.

“Nakakapanghinawa nga namang tulungan ang taong hindi naman nagbabago. Sa edad niya ngayon na sabi nga ng mga kaibigan niya, e, isang bulate na lang ang hindi pumipirma at tigok na siya, e, ganu’n pa rin siya sa dati!

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, isang tanong lang ang ibabato ko sa inyo at alam n’yo na kung sino siya! Meron ba tayo d’yan?” pagtatapos na chika ng aming source.

Read more...