Shaina may paramdam sa tunay na relasyon nila ni Piolo: #myconstant

PIOLO PASCUAL AT SHAINA MAGDAYAO

HAYAN, umamin na si Shaina Magdayao na si Piolo Pascual nga ang kanyang, “My Constant” base na rin sa latest post niya sa kanyang Instagram account.

Pinadalhan ng aktor ng bouquet ng red roses ang Kapamilya actress na ipinost naman ng dalaga sa IG na may caption na, “To constant…ly magical celebrations! Heart is full of gratitude to be blessed with genuine friends around me especially during showbiz events like the ball.

“These souls who make such evenings more beautiful and meaningful. Also, for choosing to re align with wherever I’m at now in my life, and for choosing to stay.

“Grateful for all of your presence. #mostesptoyoumyperennial. Guess you’re really #myconstant as well, cheers to genuine friendships beyond showbiz world.”

Matatandaang nadulas si Piolo sa nakaraang SunPIOLOgy Tr10 presscon sa tanong kung sino ang ka-date niya sa ABS-CBN Ball. Nang banggitin kasi ang pangalan ni Shaina ay pabitin niyang nasabi na, “There’s a tradition…”

Hindi na niya itinuloy pa ang sasabihin dahil kapag nababanggit daw niya ang pangalan ng dalaga ay naba-bash siya sa social media.

Samantala, nabanggit naman ni Shaina sa panayam ng Tonight With Boy Abunda na nagpapasalamat siya kay Piolo dahil wala naman itong ibang dini-date kundi siya lang, pero wala pa silang seryosong relasyon.

Parehong walang karelasyon ngayon sina Piolo at Shaina dahil pareho silang busy sa trabaho. Baka ito ang rason kaya hindi pa magawa ni Piolo na pormal nang ligawan ang dalaga.

Pero kung kami ang tatanungin ay kami na ang magsasabing boto naman ang pamilya Magdayao sa aktor, kaya ano pa ba ang hinihintay mo, Papa P?

Speaking of Shaina ay marami ang nagulat na pumayag siyang magkaroon ng kissing scene kay Aljur Abrenica sa panghapong seryeng Asintado.

Hindi namin napanood ang episode kaya wala kaming maikomento. Ang sabi lang ng katotong nakapanood nito, “Buti napapayag si Shaina na makipaghalikan kay Aljur? Sa pagkakaalam ko hindi basta pumapayag sa mga kissing scene si Shaina, di ba?”

Sabi namin, bakit naman hindi, e, trabaho lang naman ang ginawa nila?

Read more...