Barbie mami-miss ang cast ng IWALY: Family na kasi kami


MULA sa bonggang pilot airing noong Mayo hanggang sa pagiging consistent winner nito sa ratings, hindi maikakaila na isang hit ang Inday Will Always Love You (IWALY).

At hanggang sa finale nito ngayong Biyernes, marami pang pasabog na eksena ang dapat abangan sa rom-com series na ito na pinagbibidahan ni award-winning Kapuso actress Barbie Forteza bilang si Happylou Magtibay.

Nagbabalik si Ericka (Kim Rodriguez) upang ipahamak muli si Happylou. Habang nakasakay silang tatlo nina Happylou at Patrick (Derrick Monasterio) sa kotse, isang malaking aksidente ang magaganap.

Mahuhulog ang sasakyan sa tulay at babagsak sa ilog. Sa trahedya, may magbubuwis ng buhay.

Samantala, tatakas na si Amanda (Gladys Reyes) sa mansion matapos niyang makuha ang mga nakatago niyang pera. Hanggang sa huli, hindi niya patatahimikin ang pamilya ni Happylou. Magkakaroon pa nga ba ng happy ending ang love story nina Patrick at Happylou?

Produced ng GMA Public Affairs ang IWALY at bukod sa pangunguna nito sa ratings, naging usap-usapan din sa social media ang mga episode nito. At mula noon nga ay nanatili itong isa sa mga top program sa primetime block.

Aminado si Barbie na malungkot siya sa pagtatapos ng IWALY, “But you know what they say, ‘Even good things must come to an end,’” pagbabahagi ng dalaga. Mami-miss niya nga raw ang bagong pamilyang nabuo sa seryeng ito.

Samahan si Happylou sa finale ng IWALY ngayong Biyernes after Onanay sa GMA Telebabad.

Read more...